50/50 BA DAPAT ANG HATIAN NG GASTOS SA MAG-ASAWA?

  • Post
    emil
    Participant
    AZ
    Hi Kapeso, Pls hide my indentity. Thank you. Kelangan ko po ng public opinion lalo nun mga maglive in partner. Pls respect po. Ang heavy lang sa heart need ng kausap po. We have 2 kids and madami na po kaming issue over the years pero yung recent na gumugulo sa isip ko is because of finances. Well, we both work sa same company but mas malaki sahod nya in a way na he gets commissions and cut sa ibang office expenses aside sa base pay namin.

    Ang gusto ko lang sana is kahit papano, 70/30 kami sa pagbayad ng bills pra mkpg ipon ako kahit papano. (Dapat nga as a head of the family sya lahat diba? Pero i know iba na ang panahon ngayon and tulungan lang) my issue is. Up to the last penny po, gusto nya 50/50 kami. Ultimo 300 pesos dapat paghati’an namin sa pagbayad. Pareho kaming nagpupuyat sa work but he has more time for himself like maglaro ng online games and after our shift he’s free to do what he wants. While ako naman, need pa magluto and maglinis at mag alaga ng baby kahit papano (d masyado mabigat na trabaho kasi my helper naman) pero point is, my ganun pa kong responsibility after shift. Minsan sasabihan nya pa ko na “IKAW NA JAN, IKAW BABAE RESPONSIBILIDAD MO YAN”

    Okay fine. So eto na nga. Lately, gumagastos sya ng thousands para sa online games nya and he also bought himself a “gift” na almost 8k ang halaga. Aside pa yan sa 2-6k na gastos nya sa online game nya. Also found out na sya pa ung ngpa bday sa barkada nya (almost 2-2,500 pesos for inumin and pulutan) also, minessage nya dn kaibigan nya na samahan sya sa isang outdoor activity and “ililibre” dw nya to.

    My point is, bakit napaka all out mo for urself and for ur friends pero ako need mo singilin ng 50/50 bawat sentimo dapat mabayaran ng pantay. Bakit?? Ano ba ko? Friends ba tayo? Chip in ang peg?? Okay, pera mo yan. Pero family mo kami. Ikaw ang tatay you should be the provider. Pero bakit ganun ka kung umasta??

    I need your opinion po. I sometimes think na makipaghiwalay na lang kesa ma stress pa ko sa kanya tutal naman 50/50 lang dn kme sa lahat. I tried opening this up to him pero sabi nya same kame nagwowork so dapat hndi na ko gumagawa ng issue bout it. Buti nga daw di sya nambababae and s bahay lang sya. Pero di lang naman yun un point ko. Who can relate? OA ba ko and demanding?? Wla ba kong karapatan purket hindi kmi kasal? Hayaan q nlg ba?? Hmmm.

    Thanks kapeso.

    0
    0

Tagged: 

  • You must be logged in to reply to this topic.