“AYOKO NG MAY IBANG KASAMA SA BAHAY”

  • Post
    emil
    Participant
    AZ
    #not my own
    #nabasa ko lang
    # relate ba kayo?

    Good day ! silent reader po ako dito. Sana po matulungan niyo ako Gulong gulo na po ako. Bata palang po mahiyain na po talaga ako. Hindi ako mahilig makipag socialize although nagkaron naman po ako ng mga friends. Sa dati po naming bahay almost 15 years kami don kahit isang kapit bahay po wala akong kilala. hindi po kasi ako yung taong mahilig makipag chismisan or going out somewhere.
    Ako yung tipo ng tao na ayoko ng may pinakikisamahan ako. Mahirap po kunin ang tiwala ko. Bilang lang po sa daliri ang friends ko. My Family is enough for me. Mas prefer ko mag isa. Mas comfortable ako mag isa. Im not that kind of person na mahilig makipagkwentuhan. Basta always ” ME TIME” for me is the best.
    Anyway, eto po talaga ang problem ko May ka live in ako ngayon. 1 year and 3 mos n po kami nag sasama. Last month nagparamdam yung kapatid ng live in partner ko na dito nga daw titira “muna”. together with their auntie na nagpalaki daw sa kapatid nya. So, mag ina ang turingan nila. Since sya ang nag alaga sa kapatid na lalaki ng live in partner ko.
    And there is a story na naging stepmom pa pala nya ito nung namatay ang nanay nila , ay naging asawa pa ito ng auntie nya. So, eto na nga… Kahit labag sa kalooban ko at dahil nagagalit din sakin ang partner ko bakit daw ayaw ko patirahan ang family nya dito, kesyo family nya daw yun, kelangan nya daw tulungan etc..Like. OK. i have nothing to say.
    Ok naman sila, mabait naman, kaya lang i dont like the way they act. Like, nasanay akong gumising ng late, which is normal sakin kasi dati mag isa lang ako sa bahay, pero nagagawa ko naman ung mga responsibilities ko dito sa bahay… everyday gigisingin nya ako like, “tanghali na, tirik na ang araw” ( Like, don’t judge me guys, tama po ba na pagsabihan nya ako ng ganun in my own house?)
    Kahapon, nanunuod ako ng tv., bigla nya nilipat yung channel without me asking kung pwede ilipat. (am i bad? or just thinking too much?) i mean, hey, im the owner of the house, the t.v is mine, i bougth it on my own money)
    Oo nga pala. Nabili naman po sila ng bigas. Kaya lang sa bills like electricity and water wala po silang share . To think, na may trabaho naman po ang kapatid ng live in partner ko.
    Everytime i open up sa live in partner ko about, kung kelan sila lilipat, (kasi parang wala na pong balak umalis) nagagalit pa po sya sakin. Family nya daw po yun, kelangan nya tulungan. So ako. wala na ako nasasabi.
    To be honest, i really dont want them here. Kasi ang ugali ko nga is, as much as possible ayoko talaga ng may kasama sa bahay. Kaya nga kami bumukod. Kasi before dun kami nakatira sa parents ko. I’m so stress. Mas gusto ko talaga mag isa. Ayoko ng maingay. Like that. (Masama po ba ang ugali ko?)
    Ngayon po naiisip ko na po makipaghiwalay sa live in partner ko. Hindi ko po talaga matake yung ganitong situation. Yeah, small problem. But , i dont know, i just want to be alone.
    FYI po. maliit lang po tlaga ang bahay namin. pagpasok mo kwarto agad at cr agad ang bungad. pero maayos ang bahay namin. malinis po ako sa bahay. Kaya everytime na may makikita akong hndi maganda , nag iinit po talaga ang ulo ko. Ayaw ko po salahat yung pinakikielaman ako. Kung paano ko aayusin ang bahay etc. Ayoko ng ganon. which is ganon po ang auntie nya. Makikipagtalo pa sakin kung ano ba at san ko ba dapat ilagay ang ganito ganyan.
    (PLS ENLIGTHEN ME)
    THANK YOU KAPESO.

    credits:kapeso

    0
    0

Tagged: 

  • You must be logged in to reply to this topic.