BILI NA PO KAYO NG SIGN PEN

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    BILI NA PO KAYO NG SIGN PEN

    Kanina habang kumakain ako sa KFC, may lumapit na lalaki at naglagay ng maliit na papel sa table. Pamilyar na tayo sa mga ganito, kung hindi humihingi ng limos, mga myembro daw ng isang foundation, o kaya ay working student, nagbebenta ng kakanin at kung ano-ano pa.
    Pero, naintriga ako sa nakasulat.
    Inobserbahan ko sya habang naglilibot sa mga tables. Nakayuko, hindi nakikipag-eye contact at umaasang ang maliit na papel na inilagay nya sa lamesa ang magsilbing kanyang tagapagsalita.
    Tinitignan ko rin kung paano sya itrato ng mga customers. Ano pa ba aasahan mong response? Karamihan ay hindi man lang binasa ang papel at umaakto na tila hindi sya nakikita. O kaya masungit na mukha at itinataboy sya. Paulit-ulit na rejection. Hindi ko maipaliwanag pero, kinurot ang puso ko. Siguro dahil tatay rin ako kaya naka-relate ako sa pinagdadaanan nya.
    Nung bumalik sya sa akin, hindi pa ri sya nakikipag-eye contact kaya sinalubong ko ang tingin nya at nginitian ko sya. Nagliwanag ang mukha ng lalaki.
    “Kumusta ka?” Bati ko.
    “Mabuti naman sir.” Sagot nya.
    “Patingin naman ng mga sign pen mo?”
    “Ay sige sir!” Nagmamadali nyang inilabas ang mga sign pen mula sa paper bag na dala nya.
    “Umupo ka muna, brad” Anyaya ko sa kanya dahil nakatayo sya sa tabi ko.
    “Naku sir nakakahiya po wag na po.”
    “Brad, HINDI KA PULUBI. Hindi ka masamang tao. Marangal ang ginagawa mo. ISA KANG BUSINESSMAN! May produkto ka at kliyente mo ako, tama?” Sagot ko habang nakangiti.
    “Umupo ka, kaibigan.” Ulit ko.
    Nagpaunlak sya at umupo sa harap ko.
    “Gusto kitang tulungan, at kung okey lang sayo, gusto sana kitang ipag-pray.” Dagdag ko pa.
    Sinulyapan ko ang mga tao sa paligid at napansin kong palihim kaming tinitignan ng mga taong kanina ay ni ayaw syang tapunan ng tingin. Bit irritated by their judgmental looks, I held my head high, looked them in the eye and gently nodded at them.
    That moment, I’m intentionally changing the atmosphere sa loob ng KFC. I have decided to impart something to this man and the people around us. Medyo nilakasan ko ang boses ko, tutal alam ko namang may mga nakikiusyoso.
    “Kaibigan, umupo ka ng tuwid. Magkaroon ka ng dignidad at kumpiyansa sa sarili mo dahil kagaya ng sabi ko, hindi ka pulubi. Isa kang businessman. Chin up and hold your head high.” Mahinahon pero puno ng kumpyansa.
    Umayos rin ako ng upo at kinausap sya kung paano ko kausapin ang mga executives at client sa opisina. “Kunyari business meeting ito.” Biro ko sa kanya.
    “Ano pong pangalan nyo, sir?” Tanong ko.
    “Willy po.”
    “Sir Willy, nakasalalay ang tagumpay ng business sa kung paano natin ipinipresenta ang products natin. Inoobserbahan kita habang lumalapit sa mga ‘kliyente’ mo. Nahihiya ka. Talagang hindi sila bibili sayo kung parang ikinakahiya mo yung produkto mo, tama?
    Napakamot sya ng ulo.
    “Ganito, mag-role play tayo, ha. Kunyari ako si Willy at gagamitin ko itong nakasulat sa papel para mag-sales talk, pero iibahin ko ng konti ang mensahe, at iibahin ko ang paraan ng pagsasalita.
    “Magandang gabi sir. Pasensya na po sa abala. Ako po si Willy at nagtitinda ako ng sign pen para pantustos sa dalawa kong anak…. gusto nyo po bang tignan yun mga designs?…” nirecite ko ang nasa papel na para akong host ng Home TV shopping.
    Napangiti sya.
    “Ok ba? Kung bebentahan ba kita ng sign pen sa ganung style bibili ka ng sign pen?
    “Oo sir!”
    “See! Confidence sir Willy. Yun ang sekreto. Alisin mo yung ‘lang’. Wag mong ibaba ang sarili mo sa harap ng iba para makabenta. Marangal kang tao at walang rason para mahiya ka!”
    Nilakasan ko talaga para marinig ng kabilang table na kanina ko pa nakikitang pasimpleng tinitignan kami.
    “There’s no reason for people to look down on you, sir.” Hindi ko inaalis ang eye contact. Gusto kong mabago ang self-perception nya.
    “O ikaw naman. Bentahan mo ako ng sign pen.”
    Pinaulit ko sa kanya ang sales talk. Nakatatlong ulit sya. Una ang hina ng boses, pinaulit ko. Tapos nakayuko at walang kumpiyansa. walang eye contact. Ulit na naman. Sa pangatlong subok, ramdam mo na ang kumpyansa at dignidad. Nagtawanan kami pagkatapos. Nawala na ang pangingimi at awkwardness nya.
    “Dahil magaling kang salesman, nakumbinsi mo akong bumili ng dalawang sign pen!” Pero hindi ako nag ‘keep the change’, hindi nya kailangan ng limos.
    Ininterview ko sya ng kaunti. Isa syang single parent. Dalawa ang kanyang anak, isang 6 yrs old at 5 yrs old. Iniwan sya ng kanyang partner dahil gusto na nito ng mas maayos at kumportableng buhay. 1 taon na syang walang trabaho. Dati syang OFW sa loob ng 5 taon. Errand boy sa mess hall ng barko.
    Tinanong ko rin sya kung paano sya nag-aaply ng work ngayon. Traditional daw, nagwo-walk in. Sabi ko obsolete na yun. In-introduce ko sa kanya ang online jobs. Isinulat ko yun mga steps at pinakita sa kanya sa celphone ko yung interface ng jobstreet pati LinkedIn, kung paanong mag-create ng account, mag-apply na hindi na kailangan magsayang ng pamasahe.
    Nag-share din ako sa kanya. Sinabi kong dati rin akong nagtitinda ng espasol, pandesal, dyaryo. Nagtulak din ako ng kariton, sigaw ng bakal bote. Naging tsimoy para makatapos ng highschool — nagaalaga ng baboy at pugo bago pumasok sa school, at kahit nilalayuan ako sa campus dahil kumakapit sa katawan yung amoy, alam ko marangal yung ginagawa ko. Walang dapat ikahiya.
    Pinagpray ko sya bago kami naghiwalay. Nakita kong mas nagliwanag ang mukha nya at nagkaroon ng kaunting self-confidence.
    Bilog ang mundo. Magtiwala lang sa Lord. Malalampasan nya rin yun. Wag sya susuko, kasi may dalawang batang umaasa sa kanya.
    “Lumakad ka ng tuwid, kaibigan. Harapin mo ang hamon ng mundo na may dignidad… para sa dalawa mong anak.” Huling payo ko.
    Lumabas sya ng KFC na tuwid ang lakad, malalaki ang hakbang, taas noo at nakangiti.
    Lahat tayo may pinagdadaanan sa buhay, lahat may hamon na kinakaharap, minsan, kailangan lang natin ng mga tao na magpapakita ng tiwala at respeto sa atin.
    Kaya ikaw na nagbabasa nito, laban lang!
    If this inspires you, share it forward.
    Sharing is caring.

    ctto

    0
    0
  • You must be logged in to reply to this topic.