DAPAT BANG PAALISIN ANG ANAK NA MAY ASAWA?

  • Post
    emil
    Participant
    AZ
    Magandang araw po. Nais ko lang po sanang humingi ng payo kung ano ang magandang gawin sa anak kong babae na may asawa na. Sa amin sila nakatira at 2 na po ang anak nila.
    Yung anak ko ay tanghali na gumigising kaya ako ang namamalengke at nagluluto ng kakainin namin.
    May trabaho ang asawa nya pero wala silang kusa na magbigay sa mga bills sa bahay kaya humihingi pa ako. Nagbibigay sila pero kulang naman. Minsan 1 o 2 libo, doon ko kukunin ang kuryente, tubig, pagkain, gas at kung anu ano pa. Kapag bumibili sila ng pagkain ay pang sakanila lang pero kapag nakisabay kami ay kami din ang magbabayad pero sila din ang kumakain, ginigisa kami sa sariling mantika kumbaga.
    Napakamahal ng bilihin sa ngayon. Ilang taon na akong nagtitiis sa kanila. Matanda na din ako at nagawa ko ng palakihin at pag aralin ang mga anak ko pero bakit ganito na sa akin pa din sila nakasandal.
    Napakahirap pagkasyahin ng binibigay nila dahil 4 silang nadagdag sa amin. Pati paglilinis ng bahay at paghuhugas ng plato ay hindi magawa pero nakakabili sila ng alak at pulutan.
    May matitirhan naman sila sa poder ng lalaki pero dito nila sa amin pinili sumaksak. Dahil sa laki ng gastos ay wala akong naiipon kahit nagbibigay ang asawa at anak kong binata.
    Ano po ba ang magandang gawin? Paalisin na sila at palipatin sa poder ng lalaki o kausapin at tokahan sila ng presyo sa bigay sa bahay? Magkano ba dapat ang binibigay nila buwan buwan? Salamat and more power.
    -from pesosense
    0
    0
  • You must be logged in to reply to this topic.