Easycard

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    Taiwan easycard
    Pag nakapulot kayo ng Easy Card isoli nyo sa pinakamalapit na MRT Station kasi karamihan sa mga Easy Card ngayon nakaregister na at matetrace ng may~ari saan nyo ginamit na stores sakaling may laman ang card.
    Isang TNT na personal kong kilala nakapulot ng Easy Card at ibinili nya sa 711 (500 ang laman). Kakasuko nya lang at naghihintay na lang ng flight ng mangyari ‘to. Nagulat na lang sya ng puntahan ng police ang bahay ng amo nya at nag~iwan ng card na pinapagreport sya sa pulis station。 Pinacheck pala ng may~ari ng card sa CCTV kung saan sya nagpunta. Sinabi lang ng amo sa pulis na minsan lang sya napunta doon at di daw alam ng amo na illegal sya para abswelto ang amo.
    Nagharap sila sa police station at hiningan sya ng NT1500 ng may ari ng Easy Card kapalit ng pag~urong ng demanda. NT1k lang ang dala nya at tinanggap na lang ng AYe. Pinuntahan din sya ng foreign police sa presinto, buti na lang may papel na surrender na sya.
    So mga “artista” dyan, baka matrace din kayo dahil lang sa MRT/Bus Card. Ugaliin na isoli sa MRT Stations kahit duda ka kung nakaregister o hindi. Ingat.

    source: https://bit.ly/3jVAh9C

    0
    0

Tagged: , ,

  • You must be logged in to reply to this topic.