“Mag asawa ka na ng SUTIL! Wag lang MAMAS BOY!”

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    Gusto ko lang po ishare at makahingi ng payo sa inyo. PAG LIVE IN LANG PO BA WALANG KARAPATAN IBIGAY SAYO ANG ATM O ANG BUONG SAHOD?
    Isa po akong single mom na nag karoon ng bf for 12yrs nag kaanak kmi at mula non ay nag live in na kmi. bilang babae sumama ako sknya umuupa kasama ang kanyang mga magulang at isang kapatid na babae ang una kong anak ay sa magulang ko nakatira at hindi ko pinasalo sa knya ang obligasyon sa anak ko ako lahat ang gumagastos sa pag aaral at ibang kailangan ng unang anak ko.
    Tangap naman ako ng pamilya niya 4yrs na kmi nag sasama at yun kapatid niya ay nag live in ndin at may anak nadin sila in short inuwi niya un lalakeng ka live in niya imbis na siya ang iuwi ng lalake, ang asawa ko po ay mas malaki ang sahod kesa sa kinikita ko bilang raketera ng taon lahat ay niraket ko na online mag kapera lang ng sarili dahil ayoko ng hihingi ng pera gsto ko ay kusa niya iaabot saken ang sahod niya at kung mgkno lang kaya nmin ibigay sa magulang niya ay un lang dapat.
    Kaso ang siste porke hndi kmi legal na kasal ay sila pa unang nag tatanong kung magkano ang sahod ng asawa ko at kukunin ang ATM kahit andun pa ako sa harap nila, minsan sinasangla pa ng nanay niya ATM ng asawa ko kaya halos wala na kmi mahawakan pera kababayad ng utang ng nanay niya na diko alam kung para saan, feeling ko tuloy boarders lang nila ako itong asawa ko kasi ay ubod ng MAMAS BOY! Normal lang na tumulong kami sa magulang pero wag naman sana lahat halos maubos at masimot na ang sahod kada cut off ni wala kami naiipon kahit 1k lang konting kibot nakahingi sila lalo pag alam nilang malapit na sahod ng asawa ko nauuna na sila.
    Samantalang ako never ako nag tanong sa sahod niya, yun kapatid niya pag ng hingi kala mo lagi may patago kahit may asawa at anak ndin siya dapat nga ay alam na niya ang gastusin bilang may pamilya na may trabaho din naman sila mag asawa sana nga ay gawin din sknya ng byenan niya ang ginagwa nila saakin para malaman niya ang pakiramdam, hindi siya sumama sa lalaki dahil ayaw niya makitira sa byenan dahil wala siyang alam sa gawain bahay kaya dito siya sa byenan ko tumira na taga laba at taga alaga nila ng anak nila.
    Ni hndi niya matagalan alagaan sarili niyang anak, ni mag luto para sa asawa wala siyang alam,kaya umalis ako sakanila at sinamantala ko ang pagkakasakit ng magulang ko umuwi muna ako bitbit ang anak nmin para alagaan ang aking mga magulang,dito ko muna pinag aral ang anak ko, dahil bilang respeto sa byenan at kapatid niya ay lumayo na muna ako baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masagot ko na sila dahil sa ganon sistema nila, ngyon bago na ulit ang trabaho ng asawa ko at mas lumaki ang sahod na ang tanging dasal ko ay makaipon kmi para sa kinabukasan ng anak nmin, pakawalan na sana nila asawa ko at payagan na nila kmi umupa at bumukod tutal kasama naman nila ang babaeng kapatid ng asawa ko.
    Ngyon ko na realized ang bilin ng Lola ko na “Mag asawa ka na ng SUTIL! Wag lang MAMAS BOY!” dahil ang sutil kahit ano mangyari ipag tatangol ka sa magulang niya pero ang MAMAS BOY sunudsunuran yan sa nanay kahit MALI NA!
    Ano po ba ang pwede kong gawin? Ayoko naman kausapin sila gsto ko ay kusa nila marealized na dapat ay unahin naman nmin ang sariling pamilya namin dahil may pangarap din kmi para kinabukasan ng anak nmin, kung mahal nila anak nila pakawalan na sana nila para makapamuhay kami ng sarili at tahimik.

    source: Peso Sense

    0
    0

Tagged: 

  • You must be logged in to reply to this topic.