NALIMAS ANG PERA DAHIL SA CREDIT CARD

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    Hi Peso Sense, Please hide my identity. Hihingi sana ako ng advise about sa problem namin ngayon. Tungkol po ito sa CREDIT CARD. Hindi ko lang po matantya pero around 2014 po, may natanggap po kaming billing statement ng CREDIT CARD. Naka under po sa name ng tatay ko.
    Noong mga panahon na po na iyon ay nasa ibang bansa ang tatay ko bilang OFW.
    Agad ko pong inireport sa kanya ang natanggap kong billing statement at agad din naman syang nagpadala ng sulat na tumatanggi syang bayaran ito at inirequest na icancel ang kahit na ano mang credit card na nakapangalan sa kanya dahil wala naman syang inenroll na credit card.
    Ang problema po ngayon, pagkacheck nya po sa banko nya ay limas na po ang perang pinaghirapan nya noong nasa ibang bansa pa sya.
    Nanlulumo po ngayon ang tatay ko. Dahil ang perang pinaghirapan nya ay kinuha lang ng banko at hindi nya napakinabangan.
    Tama po bang kunin ng bank ang pera sa savings account nya?
    Maibabalik pa po kaya yung perang nakuha sa kanya?
    Sana po ay may makatulong sa problema namin.
    Magbabasa nalang po ako ng comments especially po from professionals pov.
    ctto
    0
    0
  • You must be logged in to reply to this topic.