NAMAMANA PALA ANG UTANG?

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    #not my own
    #nakita ko lang

    Hi po mga ka cfo peso sense, please hide my identity po. Sana po ma-post po ito dahil grabe na po ang pangangailangan ko— nasa early 20s palang po ako pero may namana nang tumataginting na utang.
    Namatay po yung father ko last year (single father po siya) na may naiwan pong business loan worth 15 million. Ginamit po niya ata para mag-invest pero di ko na nalaman kung saan at paanong naubos. At hindi lang po yun ang problema ko, naka-collateral pa po yung bahay na tinitirhan ko. Ito nalang po ang naiwan sakin ng father ko. Wala din po laman halos ang bank account niya, sapat lang po sa ginastos ko sa burol niya.
    Humingi lang po ako ng promissory note sa bangko para magkaroon po ako ng oras para maibenta ang bahay. Dahil may pandemic po ngayon, nahihirapan po ako lalo solusyunan ang problema ko at nahihirapan mag benta ng bahay. Lahat po kasi apektado ngayon, lahat halos ng mag-inquire walang cash, hindi kaya ng budget.
    Kaya minsan nawawalan na ko ng pag-asa. Sabi din po ng iba na aking pinagtanungan, wala daw pong insurance ang business loan. Hindi pwedeng I-waive ni hindi rin po pala pwedeng mabawasan.
    Ganon po pala iyon, namamana pala ang utang? Ayoko naman pong mawala ang lahat. Bata pa po ako at nasa kolehiyo at may raket raket lang na maliliit pangtustos sa araw-araw na pangangailangan.
    Ano po kayang pwedeng gawin ko? Kailangan kailangan ko po ng advice niyo dahil gabi gabi sa pag tulog yun na lang iniisip ko. Sana po mabigyan niyo po ako ng advice kung paano po masosolusyunan ang aking problema. Maraming salamat po!

    credits: peso sense

    0
    0
  • You must be logged in to reply to this topic.