Para Kay Tatay

  • Post
    artiQL8Ckr
    Keymaster
    none
    A LETTER TO DAD

    #PayongKapeso

    Mahilig mag Facebook Ang tatay ko kaya Malaki Ang chance na mabasa niya ito.

    Alam mo Tay, sobrang dami beses ko na nadadapa Hindi lang isa kundi paulit ulit. Bata pa lang ako, Ako na Ang sakit sa ulo mo saming tatlong magkakapatid. (middle child syndrome). Black sheep nga daw ako.

    Hindi ko alam kung ilang dang beses na ko nadapa at Ikaw Ang pilit na nagbabangon sakin kahit ayaw ko na. Mula sa pagkuha mo sa kin sa barangay sa twing napapa away ako Nung highschool dahil sa pagsama ko sa maling barkada.

    Hindi ko alam kung paano mo kami napagtapos na magkakapatid sa pagta trabaho mo bilang kartero. Ni Hindi mo pinatulong sayo Si nanay dahil gusto mo may isa na nakatutok sa min, para lumaki kami maayos pero lagi Ako lumilihis. Napaka kapal na Ng kalyo mo sa kamay pero Hindi ka tumigil. Pinag-aral mo pa rin Ang kuya kahit 18yrs old palng sya nag Asawa na sya. Katwiran mo, pag di sya nagtapos kawawa Ang magiging pamilya Nia.

    Tay, natatandaan ko Nung unang beses na nagtake Ako Ng board exam at bumagsak Ako. Lumong lumo Ako, pero niyakap mo Ako Ng mahigpit. At Sabi mo try lang ulit. Nag try Ako Tay at nakapasa hinding Hindi ko malilimutan Ang mahigpit mong yakap at luha Ng kaligayahan sa mata mo. Ang tindi mo Tay, nairaos mo din Si Bunso. Kahit sobrang hirap Ng Araw mo. Excited ka lagi Makita kami.

    Tay, di ko alam pano mo Ako natubos na mahigpit Isang dang libo Nung ayaw ibigay Ng amo ko sa middle east ung passport ko Nung napag bintangan Ako nagnakaw. Halos gumuho Ang mundo mo Tay. Iyak ka Ng iyak habang tumatwag sakin.

    Pag uwi ko Ng Pinas, sunod sunod dn Ang pagsubok sayo na stroke Si Tito at namatay Naman Si Uncle. Pareho mo silang sandalan at mahal na mahal. Mas masaklap sa loob Ng 33 years mo sa serbisyo sa gobyerno tinanggal ka Nila Ng taon din na yon. Dahil sa Isang maling bintang.

    Tay dko malilimutan Ang Araw na Yun. Gusto ko Magalit sa mundo. Ikaw na napakatapat na tao, kahit kailan Hindi nanlamang sa kapwa ay Hindi pinaboran Ng gobyerno. (Sapagkat Ang hustisya ay sadyang para lang sa mayaman) alam ko kung gano kasakit Tay. Bakas sa laglag mong balikat at sa luha mong pinipilit mong itago. (Tay, umiiyak Ako Ngayon habang tinatype ko to.) Ang lupit sayo Ng mundo.

    Maniwala ka Tay, pinilit ko bumawi. Nagnegosyo Ako, nangutang at nalubog. Akala ko Kasi Tay tuloy tuloy Ang negosyo pro bakit may pandemic. Hinabol Ako Ng Bangko at kung ano ano pang lending pero Tay kahit wala ka na trabaho bakit pinipilit mo pa rin Ako tulungan?

    Nabuntis Ako, Nung una ayaw Ako panagutan pero kinuha mo kami Ng anak ko. Tinanggap na parang walang nangyari. Pero iniwan kita Tay bumalik Ako sknya kahit mahirap Ang Buhay. Kahit man lang dito Tay Hindi Ako pumalpak. At least mabuo Ang pamilya ko.

    Tay, kanina umuwi Ako satin, para ibalita sayo na may Bago na ko trabaho. Ipinasyal mo kaming lahat sa mall Nila nanay, Sabi mo titingin lang tayo Ng lamesa ni Bunso. Tay nagulat Ako at napaiyak Kasi binilhan mo ko Ng dalawang sapatos at ibang gamit ko pamasok. Tay, Hindi Ako nanghihingi.

    Akala mo siguro Tay, hndi ko alam na twing kakaen kayo tinatanong mo kung kumakaen ba ko Ng masarap. Lahat Yun kinukwento sakin Ng pamangkin ko. Tay 35 na ko, Ikaw Naman. Sarili mo Naman.

    Araw Araw Tay, alam Ng Dyos kung gano Ako nagsisisi sa mga nagawa ko sa Buhay ko at Hindi man lang Ako makabawi sainyo ni Nanay. Tay Yung dati mong magaspang lang na kamay Ngayon ay kulubot na. Sana dalangin ko sa Panginoon n bigyan pa Tayo Ng mahabang Buhay. At bigyan Nia ko Ng pagkakataon na bumawi.

    Tay, ang sakit Ng puso ko. Kasi alam ko na nasasaktan pa dn kita sa mga Mali kong desisyon. Pero gusto ko malaman mo na nagpapasalamat Ako sa sobrang pagmamahal mo. Hindi kayang tumbasan Ng sino Mang lalaki Ang pagmamahal na binigay mo samin. Tay, patawad…. Patawad Po…. Mahal na mahal kita…

    Happy Father’s day …..😭

     

     

    Ctto

    0
    0

Tagged: 

  • You must be logged in to reply to this topic.
kuwento