PNP MOTORCYCLE CHECKPOINT GUIDELINES:

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    Karagdagang impormasyon para sa mga riders na di pa alam kung anu ang procedures during checkpoints.

    1. Bagalan ang pagpatakbo tumabi sa gilid at patayin ang makina ng motor.

    2. Tanggalin ang helmet lalo na kung naka fullface helmet ka.

    3. Ibigay ang OR CR ng motor ng hindi nakatupi kasama ang licensya.

    4. Magbigay galang sa mga enforcers or police gaya ng MAM or SIR. Wag mo silang tawaging boss.

    5. Pagkatapos ng inspection kapag pinayagan ka ng umalis wag kalimutang magpasalamat.

    6. Wag kang papayag kung papasakayin ka sa mobile car nila at sabihing iimbitahan sa presinto. Kung san ka nahuli dapat dun ka mismo titicketan.

    7. Kung ma impound ang motor niyo wag kalimutan kunin ang impormasyon
    – pangalan ng enforcer na humili
    – plate number ng mobile car
    – presinto kung san sila naka assign
    – at lugar kung saan ang impounding area ng motor

    8. Kung di mo gusto ang pagkahuli sayo or ang nakalagay sa ticket mo na violation, wag mong pirmahan ang ticket para may panlaban ka kung magreklamo ka.

    9. Wag magpahawak sa katawan. Wag hayaang kapkapan ka at hawakan ang mga gamit mo. Mas mabuti kung ikaw mismo ang magpakita sa laban ng motor bag or givi box mo. P.S wag maging kampante baka taniman ka kasi ng drugs or kutsilyo or baril.

    10. Wag kang tumawag ng back up kapag na ticketan ka. Mas mabuti na magpakumbaba ka nalang at sumunod sa patakaran nila. Pero okay lang naman magtawag ng back up kapag alam mong ginagago ka lang nila sa paghuli.

    11. Wag makipag away sa enforcers lalong lalo na sa mga PNP mas mabuti magpakumbaba ka at pagusapang mabuti kung paano ang processo.

    12. Siguraduhing legit na enforcers ang humuli sa inyo. At kung san ang areas ng mga checkpoint. Malalaman niyo yan sa mobile car palang na dala. Kung duda ka dapat alerto ka kaagad.

    13. Dapat nasa maliwanag na lugar nakalagay ang checkpoints bawal ito sa blind curves. Tingnan ang mga signage na nakalagay kung meron man. Maliban nalang sa oplan sita or emergency checkpoints kasi baka may inabangan lang sila na subject.

    TANDAAN:
    Mas lamang ka kung may alam ka about sa mga ganyang operasyon.

    Share niyo ng malaman ng iba

     

    ctto

    0
    0

Tagged: 

  • You must be logged in to reply to this topic.