PROBLEMA SA NABILING CONDO

  • Post
    post ads
    Participant
    BB
    Hello admin manghihingi lang sana ako ng professional advise regarding real state naguguluhan na kasi ako. Pakihide nalang po ang identity ko. Simulan ko ang kwento nung time na kumuha ako ng pre selling condo that was last Feb. 2019. Actually wala naman akong balak kumuha kasi co borrower ako ng father ko sa town house na kinuha namin 5 years ago thru Pag ibig which is till now binabayaran pa din namin sa isip ko baka hindi ako maapprove kapag inapply ko ung condo kasi nga co borrower ako.
    Na sales talk yata ako ng sales agent. Una ang sabi nila 1st or 2nd quarter of this year 2020 ay turnover na ng condo, pero di nangyare dahil Sept. 2019 ay nagpadala ng letter ang condo na pansamantalang mahihinto ang pagpagawa dahil nagkaproblem sa contractor and dahil biglang nagka pandemic. Sa tagal ng usapan namin that day ay nag ask ako what if kung down payment lang ang mabayaran ko and hindi ako ma approve sa Pag ibig pati sa banks anong mangyayare sa binayad ko?
    Ang sagot nila which is naconvince akong kumuha ay, good as investment dahil pwede ko na daw maibenta ang unit after ko ma fully paid ang down, pwede ko daw silang kontakin at sila ang maghahanap ng buyer, may mga client daw sila especially OFW na ganun ang ginagawa pinapabenta ang unit after mag down. Since convincing and tiwala naman ako kasi base sa kwento nila ay well experienced and knowledgeable na sila sa ganung bagay and naisip ko na maganda for investment. In short, nag pareserved ako ng unit, 1 year to pay ang down amounting 180k plus.
    Natapos ako ng down ko Feb. 2020, then nag request ako sa kanila na pwede na nila ako hanapan ng buyer kasi fully paid na ako sa down and nag ok naman sila. March biglang nag lockdown. August or September tumawag saken ung staff na nag wowork mismo sa condo (ung sales agent kasi ay galing sa third party company) tinanong ako kung anong mode of payment ko kung thru Pag ibig o thru banks. I ask them back kung di ba sila nainform ng sales agent na pinapabenta ko na ung unit ko and till now naghahanap pa din sila ng buyer, that day ko lang nalaman staff na pala ng condo ang kausap ko at hindi sila iniinform ng sales agent.
    Ang sabi ng staff ay may new policy daw sila na hindi daw pwede ibenta ang unit sa ibang tao dapat daw sa kamag anak lang, so nagulat ako bakit may ganung policy eh paano masasabing investment kung sa kamag anak lang din ibebenta? ang sagot nila ay marami daw kasing aasikasuhing papers sa BIR at kung saan mang ahensya, ang sagot ko bakit parang bago lang sa inyo na maraming aasikasuhing papers if ever na ipapabenta ni client ang unit niya?
    Then tinawagan ko ang sales agent and sinabi ko ung policy, nagulat din sya that time and may bigla daw nagpatawag sa kanila ng meeting ung opisina, iraise nya daw yung concern but unfortunately, yun ang napag usapan na dapat sa relatives lang magbebenta si buyer, ang sabi pa, nasa contract to sell daw yun na pinirmahan namin (nung time na pumirma ako ng contract to sell ay di ko na nagawang isa isahin basahin ang page dahil aside sa madaming pages ay sa office hinatid ang documents at hinihintay ako ng messenger nila matapos pumirma and besides kampante naman ako pumirma dahil ang sabi ng sales agent ay katunayan lang yun na saken na yung unit).
    Nagulat lang ako sa policy nila kasi parang ngayon ko lang narinig yun na dapat sa kamag anak lang ibenta at di pwede sa ibang tao. Based sa sales agent ay nag resign na daw ung dating may handle sa ganung concern at yung bagong nag hahandle naman daw ang nag discuss sa kanila ng bagong policy ay hindi nagbigay ng contact number sa kanila (for further inquiries) even yung mga staffs ay di sila nirereplayan dahil gusto nilang icontest yung bagong policy dahil madami ding buyer ang gustong magbenta pero naiipit dahil nga sa policy na yun.
    Lumipas ang mga buwan wala na akong naging balita regarding don kaya nag initiate na akong kontakin ung staff na nag ask saken ng mode of payment before, tinanong ko ang requirements need ni Pag Ibig and nag submit naman ako, so itutuloy ko nalang sana but hindi nga na approve ng buo ang loanable amount ko ni Pag Ibig need ko daw ng co borrower pero wala akong makuhang co borrower.
    Ngayon ay pinag iisipan kong mag parefund nalang pero sabi ng sales agent ay may nag try na daw na magparefund before pero hindi inapproved even half ng payment and di ko alam anong reason bakit di na refund ung mga naunang buyer. Even ung sales agent ay naguguluhan na din dahil madami daw concern sa kanila ang mga buyer pero dedma lang sa office (sa office na naghahandle ng condo).
    In short, di kami pwede mag benta ng unit sa ibang tao dapat sa relatives lang at wala ding refund even half. Di ko na alam sino sa kanila ang tatanungin kasi ang tipid nila sumagot at pasa pasa ng department at boss na pagtatanungan, naestress lang ako baka 1 day bigla nilang sabihin forfeited na ang bayad ko.
    Again wag nalang mang bash, professional advise po ang need. And magsilbing aral nadin tong experience ko na to sa mga nagbabalak kumuha ng mga pre selling or other real state, napagtanto ko anytime pala pwede sila magbago ng policy and mas ok ang developer na sobrang mabusisi sa documents sa pag aapply palang (naencounter ko yan ung unang kuha namin ng town house, di sila nag after na maubos agad ang slot, sa developer palang sinasala na nila agad kung approve ka o hindi) rather than sa developer/agent na pwede lahat ang sagot.
    ctto
    0
    0

Tagged: 

  • You must be logged in to reply to this topic.