artiQL8Ckr

Forum Replies Created

Viewing 2 replies - 1 through 2 (of 2 total)
  • Replies
  • artiQL8Ckr
    Keymaster
    none
    • This reply was modified 5 months, 1 week ago by artiQL8Ckr.
    0
    0
    artiQL8Ckr
    Keymaster
    none
    kuwentong ofwMay nakasabay kaming dalawang lalaki na mukhang nasa edad 50 habang nagpapa check-in kami ng baggage sa airport. Bakas sa mga mukha nila ang hirap ng buhay. Patungo sila sa ibang bansa at marahil sila ay OFW, bitbit nila ang kanilang lumang backpack na parang masisira na sa bigat ng kanilang bagahe at maaaring dahil sa tagal ng panahong paggamit nito.

    Sa kasamaang palad sobra sa bigat ang dala-dala ng isa sa kanila, agad niyang inilipat sa kasama ang gamit. Napansin ko sa kanilang pag-lilipat ay kung anu-anong mga gusot-gusot na mga lumang damit, shampoo sa sachet, maliit na sabon, toothpaste, suklay at marami pang lumang gamit.

    Binigyan sila ng packing tape ng empleyado sa counter para balutan ang kanilang bag nang hindi tuluyang mapunit sa pagsasalansan kasama ng mga iba pang mga gamit ng mga pasahero.

    Lungkot at awa ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon at naisip ko ang pamilyang iniwan nila para lang maiahon ang kanilang buhay sa mundong ito.

    Malapit na ang Pasko. Tulad din ng dalawang OFW na nagsakripisyong lumayo sa kanilang mga mahal sa buhay ay ganoon din ang ginawa ni Hesus na lumayo sa kanyang Ama hindi para maghanap ng kabuhayan kundi para bigyan tayo ng buhay na walang hanggan.

    Maligayang Pasko po sa inyong lahat.

    #backpack #workabroad #ofw #life #jesus #bag #family #friends #love #lonely #blessed #airplane #oldthings #jesuslovesyou #fatherinheaven #churches See Less

    credits:fb

    0
    0
Viewing 2 replies - 1 through 2 (of 2 total)