Paano Kumuha ng Driving License sa Taiwan?

for motorcycles

Paano Kumuha ng Driving License sa Taiwan?

Driving License sa Taiwan. Mayroong dalawang klase or procedures ang  maaring gawin ukol sa pagkuha ng lesensiya sa Taiwan. Ilalahad sa post na ito ang pagkuha ng driver’s license para sa mga gustong magmaneho ng motorsiklo.

A) Kung mayroong valid driver’s license(not expired) kang hawak, na galing sa Pilipinas, ay maaari mo itong dalhin sa MECO upang maipa-authenticate. Dapat din siyang mai-translate sa wikang Taiwanese upang ma-consider na valid. For more details about this process,  please ask MECO directly. For assistance, please ask Ma’am Mei-Mei Chen. Di ko po siya personal na kakilala, pero nakikita ko sa mga posts niya ang mga natutulungan niyang mga Pilipino patungkol sa process na ito.

B) Pangalawang procedure. Ibabahagi ko ito sa inyo dahil sa personal ko itong naranasan. Take the license exam (at actual driving test) mismo sa Motor Vehicles Office o ang katumbas ng LTO natin sa Pilipinas.

Advertisements

Driving License sa Taiwan

Taoyuan Motor Vehicles Office

Ang Motor Vehicle Office sa Taoyuan. May kalayuan po ito sa mismong Taoyuan Train Station, kaya I recommend using YouBike or take this route:

Advertisements
motor vehicle taoyuan bus route

Bus route from Taoyuan Bus Station to Motor Vehicles Office, Taoyuan.

 

  1. Here is the address: Taoyuan Station, Hsinchu Motor Vehicles Office

    新竹區監理所 桃園監理站

    No. 416號, Jieshou Road, Taoyuan District, Taoyuan City, 330

 

Steps sa Pagkuha ng Driving License sa Taiwan

  1. I-ready ang ARC(more than 6 months bago mag-expire) at 2 pieces colored 1×1 pictures. Kung wala kayong dalang pictures ay puwede namang kumuha ng larawan sa photo booth na nasa loob mismo ng medical facility. 150 NT ang bayad para sa pictures.
  2. Medical fee- 150.00 NT (mga accredited private medical facilities po ang mga ito na nasa labas ng Motor Vehicle Office).
    Driving License sa Taiwan

    Actually, marami po sila at magkakatabi, pero I highly recommend this facility. Nasa gilid siya ng licensing office. Mababait ang mga staff dito at sila na mismo ang magfi-fill up sa form na kakailanganin. Mabilis lang ang processing sa stage na ito.

     

  3. Application/Registration Fee- 250 NT (sa third floor po, kung sa Taoyuan po kayo kukuha).
    registration service counter taoyuan

    Diyan po kayo pipila.Nasa third floor po iyang Registration Services Counter. Ang unang itatanong is kung may appointment ba kayo. Kaya huwag kalilimutang magpa-schedule ng appointment(nasa link po sa ibaba).

     

     


     

  4. Kailangan ninyong umattend ng seminar pagkatapos mag register. Aabot po ito ng more or less two hours. Ito ay composed of videos at instructions(more on Chinese) tungkol sa vehicular accidents at kung papaanong ang mga ito ay maiiwasan.
    Driving course/ Seminar room

    Driving Course/ Seminar Room

     

  5. Pagkatapos ng seminar ay puwede nang mag proceed for the written test. Aabot ito ng 45 minutes. No cheating at no coaching. Video-monitored ang process during exam. Mabigat ang consequences kapag nahuli kang nag che-cheat. NO CELLPHONES are allowed in the examination room.
    written test room

    The Written Test room.

    important instructions

    Important instructions regarding the written test.

     

  6. Makikita na kaagad ang resulta kapag pinindot ang submit button at tatawagin na agad ang inyong pangalan ng invigilator o ng tagabantay.
  7. Kapag nakapasa kayo ay bumalik kayo kaagad sa registration counter(kung saan kayo nag-register). Then, magbabayad kayo ng 21 NT, kung wala kayong dalang sariling motor. Ang 21 NT ay renta para sa motor at helmet na ipapahiram sa inyo. Pagkatapos nito ay puwede na kayong mag-proceed sa first floor kung saan ginaganap ang actual driving tests for motorcycles. Click this video upang magkaroon kayo ng idea sa driving test. I suggest you to bring your own helmet. Kahit hindi full-face type, okay lang. Pero kung wala kayong dalang helmet ay okay lang din, dahil may maipapahiram naman sila sa inyo.
  8. Kapag pumasa kayo sa stage na ito ay ibabalik ang inyong ARC at pababalikin uli kayo sa 3rd floor, kung saan kayo unang nag register, dahil dito na ninyo kukunin ang inyong Taiwan Driver’s License.
  9. Tatanungin dito ang inyong contact number at ive-verify ang inyong present address. Hihingi rin sila ng isang 1×1 colored picture for your driver’s license. May babayaran uli kayo dito na 200 NT.

    Taiwan Driver's License

    My Taiwan Driver’s License

 

GOOD LUCK!

Advertisements

DRIVE SAFELY!

READ THE REVIEWER AS OFTEN AS YOU CAN!


 

Advertisements

Notes:

Agahan po ninyo ang magpunta, dahil mayroon pong pila. Weekdays @8 am po sila nagbubukas.

Advertisements

Hindi po basta-basta ang written test. Review hard bago sumabak! Sa totoo lang ay halos one week akong nagbasa at nag-aral para sa test na ito. NAPAKARAMI pong mga sagot ang lalabas sa mismong test na makikita ninyo na sa MISMONG REVIEWER, kaya importanteng tandaan na po ninyo ang mga sagot.

Kung hindi po kayo papasa sa alin mang tests ay puwede kayong mag-re-take pagkatapos ng pitong araw. Ang written test naman kapag naipasa ninyo ay valid ng isang taon.

Di tulad sa atin sa Pilipinas ay hindi na rin kinakailangang i-renew pa ang inyong license taon-taon kapag kayo’y nakapasa, dahil valid ito ng hanggang anim na taon. You should also make an appointment para po kayo ay aasikasuhin. Paki-click ang links for the reviewer at para sa appointment. Here’s the reviewer for desktop PC/Windows.

reviewer tips

Ang mga questions na mababasa ninyo diyan sa APP ay actual na mae-encounter po ninyo during the written test. Kaya tandaan na po ninyo ang lahat ng kaya ninyong tandaan. Ganoon din po sa reviewer for Windows.


Other Sources:

Advertisements

Tealit

Taipei City Motor Vehicles Office

Driver’s License Test for Motor Vehicles and Motorcycles General regulations

Taoyuan Hsinchu Motor Vehicles Office

List of MECO Contacts

Advertisements

Read: Paano Puntahan ang MECO Taipei via MRT?


FAQ:

  • Magkano po ang magagastos?

Kung susumahin ang mga figures na nailahad sa itaas, ay hindi aabot sa 1K NT.

  • English po ba ang exam?

Yes, English po para sa mga Filipinos/foreigners. Depende po sa nationality(according sa reviewer for Windows).

  • May age limit po ba ang pagkuha ng License?

18 years old and above.

  • Kailangan po bang humingi ng pahintulot sa employer o sa company namin kung gusto kong magka-motor?

This is according to our coordinator, noong tinanong ko po siya ng ganiyan, “You have complete free will, as long as you have a license to drive”. Nasa sa inyo  na po kung ipapaalam ninyo. Kung  bibili kayo ng motor sa isang shop ay required pong ipaalam ninyo sa inyong employer, dahil hahanapan kayo ng shop owner ng form of consent(from your company).

Advertisements
  • Expired na po ang license ko na galing Pinas. Puwede pa po ba?

Back to zero. Wala po kayong ibang choice but to take the exam sa Motor Vehicle Office.

  • May Student Permit License po ako from Pinas. Puwede ba iyon?

Hindi po valid iyon.

  • Ilang items po ang exam?

50 items times 2. The passing grade is 86. Kaya kapag namali ka ng 8 points or above, ay bagsak ka na po, at babalik ka na lang after 7 days para mag-exam uli.

  • Required po ba talaga ang Mandatory Liability Insurance?

Yes po. Kailangang-kailangan po iyan ayon sa Taiwan Law. Palagi pong binabanggit yan sa reviewer.

  • Kailangan ba talagang mag-review?

Siyempre po. Napakarami po kayong malalaman sa reviewer tungkol sa mga batas ng Taiwan regarding sa wastong pagmamaneho ng sasakyan.

  • Naka-encounter ba kayo ng new questions during the exam?

Yes po. May limang questions akong na-encounter na wala po sa mismong reviewer.

  • May expiration po ba ang driver’s license sa Taiwan?

Mayroon po. Six years from the date of issue.

  • Kapag may valid license na galing Pinas, kailangan pa bang mag take ng written exam?

Hindi na po.


Motor Vehicle Offices (rotate screen in mobile mode for full view)

Locations, contacts, and addresses in Taiwan

 

所、站名稱 / Unit Name電話 / Tel地址 / Address
臺北市區監理所

Taipei City Motor Vehicles

Office

886-2-2763-0155臺北市松山區八德路 4 段 21 號

No.21, Sec.4, Bade Rd., Taipei,

10561, Taiwan

士林監理站

Shilin Motor Vehicles Station

886-2-27630155臺北市士林區承德路 5 段 80 號

No.80, Sec. 5, Chengde Rd.,

Shilin Dist., Taipei City 111,

Taiwan

金門監理站

Kinmen Motor Vehicles Station

886-82-332407金門縣金湖鎮黃海路 6-1 號

Advertisements

No.6-1, Huanghai Rd., Jinhu

Township, Kinmen County 891,

Taiwan

連江監理站

Lienchiang Motor Vehicles

Station

886-836-22694連江縣南竿鄉津沙村 155 號

No.155, Jinsha Vil., Nangan

Township, Lienchiang County

209, Taiwan

臺北區監理所

Taipei Motor Vehicles Office

886-2-26884366新北市樹林區中正路 248 巷 7 號

No.7,Lane 248,Jhongjheng Rd.,

Shulin Dist., New Taipei City 238,

Taiwan

板橋監理站

Banqiao Motor Vehicles Station

886-2-22227835新北市中和區中山路三段 116 號

No.116, Sec. 3, Zhongshan Rd.,

Zhonghe Dist., New Taipei City

235, Taiwan

蘆洲監理站

Luzhou Motor Vehicles Station

886-2-22886883新北市蘆洲區中山二路 163 號

No.163,Zhongshan 2nd Rd.,

Luzhou Dist., New Taipei City

24756, Taiwan

基隆監理站

Keelung Motor Vehicles Station

886-2-24515311基隆市七堵區實踐路 296 號

No.296, Shijian Rd., Qidu Dist.,

Keelung City 206, Taiwan

宜蘭監理站

Yilan Motor Vehicles Station

886-3-9658461宜蘭縣五結鄉中正路二段 9 號

No.9, Sec. 2, Jhongjheng Rd.,

Wujie Township, Yilan County

268, Taiwan

花蓮監理站

Hualien Motor Vehicles Station

886-3-8523166花蓮縣吉安鄉中正路二段 152 號

No.152, Sec2, Chung Cheng Rd.,

Jian Township , Hualien County,

Advertisements

Taiwan

玉里監理分站

Yuli Motor Vehicles Division

Station

886-3-8883161花蓮縣玉里鎮中華路 427 號

No.427, Zhonghua Rd., Yuli

Township, Hualien County 981

 

新竹區監理所

Hsinchu Motor Vehicles Office

886-3-5892051新竹縣新埔鎮文德路三段 58 號

No.58, Sec. 3, Wunde Rd., Sinpu

Township, Hsinchu County 305,

Taiwan

新竹市監理站

Hsinchu City Motor Vehicles

Station

886-3-5327101新竹市自由路 10 號

No.10, Zihyou Rd., Hsinchu City

300, Taiwan

桃園監理站

Taoyuan Motor Vehicles Station

886-3-3664222桃園市介壽路 416 號

No.416, Jieshou Rd., Taoyuan

City, Taoyuan County 330, Taiwan

中壢監理站

Jhungli Motor Vehicles Station

886-3-4253990桃園縣中壢市延平路 394 號

No.394, Yanping Rd., Jhongli

City, Taoyuan County 320, Taiwan

苗栗監理站

Miaoli Motor Vehicles Station

886-37-331806苗栗市福麗里福麗 98 號

No.98, Fuli Village, Miaoli City,

Miaoli County 360, Taiwan

臺中區監理所

Taichung Motor Vehicles Office

886-4-26912011臺中市大肚區瑞井里遊園路一

段 2 號

No.2, Sec.1, Youyuan Rd., Dadu

District, Taichung City 432,

Taiwan

臺中市監理站

Taichung City Motor Vehicles

Station

886-4-22341103臺中市北區北屯路 77 號

No.77, Beitun Rd., North Dist.,

Taichung City 404, Taiwan

豐原監理站

Fengyuan Motor Vehicles

Station

886-4-25274229臺中市豐原區豐東路 120 號

No.120, Fengdong Rd., Fengyuan

Dist., Taichung City 420, Taiwan

彰化監理站

Changhua Motor Vehicles

Station

886-4-7867161彰化縣花壇鄉南口村中山路二

段 457 號

No.457, Sec. 2, Zhongshan Rd.,

Huatan Township, Changhua

County 503, Taiwan

南投監理站

Nantou Motor Vehicles Station

886-49-2350923南投市中興路 201 號

No.201, Zhongxing Rd., Nantou

City, Nantou County 540, Taiwan

埔里監理分站

Puli Motor Vehicles Division

Station

886-49-2980404南投縣埔里鎮博愛路 9 號

No.9, Bo’ai Rd., Puli Township,

Nantou County 545, Taiwan

嘉義區監理所

Chiayi Motor Vehicle Office

886-5-3623939嘉義縣朴子市朴子七路 29 號

No.29, Puzi 7th Rd., Puzi City, Chiayi County 613

 

 

雲林監理站

Yunlin Motor Vehicle Station

886-5-5335892雲林縣斗六市雲林路二段 411 號

No.411, Sec. 2, Yunlin Rd.,

Douliu City, Yunlin County 640,

Taiwan

東勢監理分站

Tungshih Motor Vehicle

Division Station

886-5-6991100雲林縣東勢鄉所前街 5 號

No.5, Suoqian St., Dongshi

Township, Yunlin County 635,

Taiwan

麻豆監理站

Madou Motor Vehicle Station

886-6-5723181臺南市麻豆區北勢里新生北路

551 號

No.551, Xinsheng N. Rd., Madou

Dist., Tainan City 721, Taiwan

新營監理站

Shinying Motor Vehicle Station

886-6-6352845臺南市新營區大同路 55 號

No.55, Datong Rd., Xinying Dist.,

Tainan City 730, Taiwan

臺南監理站

Tainan Motor Vehicle Station

886-6-2696678臺南市東區崇德路 1 號

No.1, Chungde Rd., East District,

Tainan City, 70102, Taiwan

嘉義市監理站

Chiayi City Motor Vehicle

Station

886-5-2770150嘉義市東區保建街 89 號

No.89, Baojian St., East Dist.,

Chiayi City 600, Taiwan

高雄市區監理所

Kaohsiung City Motor Vehicle

Office

886-7-3613161高雄市楠梓區德民路 71 號

No. 71, Deming Road , Nanzih

District, Kaohsiung City 811,

Taiwan

苓雅監理站

Lingya Motor Vehicle Station

886-7-2257812高雄市苓雅區安康路 22 號

No.22, Ankang Rd., Lingya Dist.,

Kaohsiung City 802, Taiwan

高雄區監理所

Kaohsiung Motor Vehicle Office

886-7-7711101高雄市鳳山區武營路 361 號

No.361, Wuying Rd., Fengshan

Dist., Kaohsiung City 830, Taiwan

屏東監理站

Pingtung Motor Vehicle Station

886-8-7666733屏東市忠孝路 222 號

No.222, Zhongxiao Rd., Pingtung

City, Pingtung County 900,

Taiwan

恆春監理分站

Hengchun Motor Vehicle

Division Station

886-8-8892014屏東縣恒春鎮西門路 92 號

No.92, Ximen Rd., Hengchun

Township, Pingtung County 946,

Taiwan

旗山監理站

Qishan Motor Vehicle Station

886-7-6613711高雄市旗山區旗文路 123-1 號

123-1, Qiwen Rd. Qishan Dist., Kaohsiung City 842

 

臺東監理站

Taitung Motor Vehicle Station

886-89-311539臺東市正氣北路 441 號

No.441, Zhengqi N. Rd., Taitu

City, Taitung County 950, Taiw

澎湖監理站

Penghu Motor Vehicle Station

886-6-9211167澎湖縣馬公市光華里 121 號

No.121, Guanghua, Magong C

Penghu County 880, Taiwan


Helpful Links:


Check Violation/s(use Google Translate): click here

Parking Fee/s: click here


 

 

 

 

Motorcycle/Scooter Sellers (Facebook)

Rogie Liwanag Mulina

555 Scooter Rentals/Sales/Repairs

Gerald Espejon

1
0

artiQL8Ckr

An adventurer that loves exploring places, with a passion for computers-both software and hardware. A (not so good) chess player. 😃

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.