Tips Upang Makaiwas sa mga Illegal Recruiters

in amp

Tips Upang Makaiwas sa mga Illegal Recruiters

Sinu-sino ba ang mga illegal recruiters na tinatawag?

Ad ins

*Sa simpleng paliwanag, sila po yung mga taong nagre-recruit ng mga paalis (daw) ng bansa ngunit wala namang ma-specify na recruitment agency. Mag-ingat sa mga taong kagaya nila lalo’t WALA silang mai-refer na LICENSED recruitment agency sa inyo.

TIP: Sa oras na may binanggit ang agent sa inyong agency, tawagan agad ang agency kung kilala talaga nila ang taong(agent) ito upang makasiguro.

Ad ins

*Naniningil kaagad ng placement fee ng walang OR or Official Receipt. Makabubuting sa opisina ng agency ka na lang mag-abot ng kaukulang bayad.

rohdelb.com

OFW -Overseas Filipino Worker

Ad ins

*Nangangako ng madaliang pag-alis ng bansa. Huwag mag-atubiling tanungin ang tungkol sa kontrata. Para makasigurong may Job Order sa bansang pupuntahan, makabubuting tumawag at magtanong mismo sa POEA Hotlines 722-11-44 / 722-11-55

*Pinipilit kang mag-take ng medical exam or training kahit wala pang malinaw na kontrata sa napag-usapan.

*Red Flag! Kung walang pisikal na ahensiya or opisina ang taong nagre-recruit sa ‘yo, magduda ka na!

*Nagbaba-bahay lang. Tinitignan niya kasi ang mga madali lang mapaniwala. Mag-ingat sa mga mapag-kunwaring recruiters na gaya nito, lalo’t hindi pamilyar ang mukha.

*Hindi kompleto ang impormasyon kung maglahad tungkol sa trabahong iyong ina-applyan. Malamang ay gawa-gawa niya lang, kaya’t hindi supisyente ang mga detalye na kanyang ibinabahagi.

Ad ins

*Direct Hiring (daw). Upang makasiguro, tumawag agad sa POEA hotlines or i-check ang website nila. Walang agents kapag Direct-Hiring dahil IKAW MISMO ang pupunta sa POEA para mag-apply.

qa2
mid

*May pangako ng madaliang pag-alis gamit ang Tourist o Visit Visa. Wala pong ganun. Malamang peke po yan. Bago ka makapag-trabaho ng legal sa ibang bansa ay kailangan ng lehitimong Job Order na na-process sa legal na paraan.

*Walang maipakitang working Visa o Employment Contract. Kung wala, layasan mo na! LOL! ganun kasimple.

*Gumagamit ng pangalan ng isang lehitimong recruitment agency ngunit wala namang mai-presentang ID. Hindi niya mapatunayang empleyado siya sa isang tunay na agency or sa isang training center.

*Nanghihikayat na magtawag pa ng madami, gaya ng inyong mga kakilala or kaibigan upang mas marami pang mag-apply. ( Ginawang networking. LOL! Disclaimer: I’m NOT against networking or any kind of such).

Ad ins

*Walang maibigay na  tamang complete name or address.

in amp2

Read: Taiwan-bound Recruitment Agencies in the Philippines

Maging matalino, mapanuri at mapagmatyag upang di maloko.


Visit POEA

qa1

Ad ins
qa2

0
0

artiQL8Ckr

An adventurer that loves exploring places, with a passion for computers-both software and hardware. A (not so good) chess player. ?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.